top of page

"TAHANAN NG PANGANGAILANGAN, NI NANAY"

  • Writer: Miguel Gerella
    Miguel Gerella
  • Dec 1, 2016
  • 2 min read

"SI NANAY" Si Nanay Necy, ay lola at nanay narin ng mga tao sa lugar nga Dakong Bayan, Panghulo, Obando Bulacan. naging takbuhan ng bawat taong may pangapnagailangan sa araw araw ang kanyang tindahan.

"BUTIL NG KABUHAYAN" Nagsimula sila noon sa pagtitida ng mani sa bayan ng Polo Valenzuela.

"KABAN NG PINAGHIRAPAN" Ang mumunting arinolang ito ang nagsilbing bangko ng bawat kinita nila sa araw araw.

"IMBENTARYO" Masusi nyang kinukwenta ang kanilang gastusin, pangangailangan ng pamilya at kanilang kita.

"NASAYANG" Ngunit di maiiwasan malugi minsan sa mga panindang sinisira ng mga daga.

"PAKINABANG" Upang makabawi bawi kahit papano sa puhunan, sa mga panahong mahina ang benta at di malugi. Iniippon ni nanay ang mga kahon ng kanilang paninda, para maibenta sa junkshop at maging kahit papanoy mandagdag sa puhunan o kita, hindi lang basta maging basura.

"PAHINGA AT LIBANGAN" Kapag sa oras na wala masayadong mamimili o kailanagan gawin. Nagpapalipas si nanay ng oras kasabay ng kahit panandaliang pahinga sa panonood ng mga palabas sa maliit na telebisyon sa kanilang tindahan at paminsan minsan tumitingin sa labas ng tindahan para mapagmasdan ang mga nangyayari sa kanilang lugar.

"SERBISYO KAY SUKI" Maasikaso niyang pinag sisilbihan ang kanilang mga mamimili.

"PAALALA AT ALA-ALA" Sa lumang kahong ito nakalagay ang paalala ni nanay sa mamimili at ang maliit na litrato ng kanyang apo at kaibigan nito.

"PASASALAMAT" Hindi nakakalimot si nanay na mag pasalamat sa Panginoon sa mga biyayang ipinag kaloob sa kanya..Mula sa kanilang altar sa bahay hangang sa tindahan ay may mga simbolo ng kanyang pagiging malapit sa Panginoon.

"PANGUNAHING PANGANGAILANAN"

Sa ngayon hindi nalamang mani ang kanilang paninda. Makikita narin natin sa tindahan ni nanay ang karamihan sa pangangailangan natin mula sa sahog, ulam, gamot para sa sakit na ating nararamdaman at iba pa.

"PANGANGAMUSTA"

Isang nanay na malapit sa pamilya hindi lang sa tunay na pamilya pati narin sa mga taong itinuring nyang pamilya. Malayo man ang mga kamag anak niya sa kanya minsan minsan ay tinatawagn nya sila para kamustahin. At kahit sa anak ng kanilang kasambahay ngayon ay naging mabuting "lola" rin si nanay necy.

"KABIYAK,ANAK AT APO" Isang mabuting asawa si nanay Necy sa kay tatay Obet sa mahabang taon nilang pag sasama. At ina sa kanilang dalawang anak na sila ate Noemi at sa namayapa nilang anak na si kuya Ronnie. Lalo't higit na mapagmahal na lola sa kanyang mga apo.

"ALA-ALA" Hangang ngayon ay naka tabi parin ang ilang mga lumang laruan, na nagsisilbing ala-ala ng kasiyahan sa piling nga kanilang anak.

"BUNGANG WALANG KATUMBAS" Sa lahat ng pinagdaanan nila nanay at tatay kasama ang buo nilang pamilya, nakamit nila ang tagumpay sa kanilang buhay na walang kahit anung bagay ang maaring tumumbas para palitan ang kaligayahang kanilang naramdaman.


 
 
 

Comments


© 2023 By Henry Cooper. Proudly created with Wix.com

bottom of page